AFP handa na para sa anti-illegal drugs operations

By Ruel Perez February 01, 2017 - 04:01 PM

AFP Field
Inquirer file photo

Naghihintay na lamang ng pormal na kautusan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bago umaksyon sa itinokang trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa ilegal na droga

Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, gusto lamang makatiyak ng AFP na hindi sila malalagay sa balag ng alanganin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang PDEA matapos na pansamantalang ipasuspinde sa ang war on drugs ng PNP

Giit ni Andolong, humihingi pa ang DND ng opisyal na kautusan mula sa Office of the Executive Secretary kaugnay ng verbal na directive ng Commander-in-Chief.

Giit ni Andolong, mahalaga na mayroong legal na basehang panghahawakan ang mga sundalo sa kanilang mga isasagawang pag-responde sa ilulunsad na operasyon ng PDEA.

Kabilang din sa hinihintay ng AFP ang formal order sa verbal instructions ng pangulo sa militar ay arestuhin ng mga sundalo ang mga tiwaling pulis.

TAGS: AFP, andolong, drug operations, PNP, AFP, andolong, drug operations, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.