AFP, walang mandato na mang-aresto ng mga police scalawags

By Ruel Perez February 01, 2017 - 02:13 PM

AFPNilinaw ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año na wala sa mandato ng militar na mang-aresto ng mga police scalawags.

Pero giit ni Año, kung sila ay bibigyan ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakahanda sila tumalima dito.

Pagdidiin ni Año, isa sa kanilang pinag-iisipan ngayon ay kung papaano makatutulong ang AFP sa anti-drug campaign lalo na sa pag-aresto sa mga tiwaling pulis.

Sa ngayon, nakikipag ugnayan na aniya sila sa Philippine Drug Enforcement Agency na siyang lead agency para ipagpatuloy ang giyera kontra droga ng pamahalaan.

Ayon pa kay Año, dapat dumaan sa tamang proseso ang magiging partisipasyon ng militar sa kampanya laban sa iligal na droga

Sa ngayon marami aniyang gawain ang militar lalo na sa kanilang kampanya laban sa teroristang grupo.

Pero kung kinakailangan ang kanilang tulong ay nakahanda silang tumulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.