War on drugs ng pamahalaan, systematic at organized ayon sa Amnesty International
“Systematic, planned and organized”
Ito ang resulta ng imbestigasyon ng Amnesty International sa laganap na patayan kaugnay ng kampanya kontra iligal na droga sa bansa.
Nakasaad sa ulat na karamihan sa anti-drug operations ng pulisya ay magkakahalintulad ng sitwasyon, batay sa testimonya ng mga pulis na kadalasang naiiba sa testimonya ng mga saksi.
Ayon sa Amnesty, sa mga inimbestigahan nito, nakararami ang mga kaso kung saan sadyang pinatay ang mga suspek.
Isinagawa ng advocacy group na Amnesty ang imbestigasyon sa 59 na drug-related killings sa 20 lungsod at bayan noong November at December.
Inirekomenda ng Amnesty na kailangang ibahin ng gobyerno ang hakbang nito sa pagtugon ng iligal na droga at krimen sa bansa.
Samantala, ipinasuspinde na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Oplan Tokhang noong Lunes.
Ito ay matapos ang insidente ng pagdukot sa Koreanong si Jee Ick Joo na pinatay sa loob mismo ng headquarters ng Philippine National Police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.