Ayon kay Senator Franklin Drilon, may ilan lamang na mga binago upang masigurado na naaayon ito sa probisyon ng konstitusyon.
Bagaman bahagi ng administrasyong Aquino at Liberal Party si Sen. Drilon, umiwas ang senador sa banggaan sa Malacanang, dahil suportado naman ng palasyo ang orihinal at nanunag BBL.
Aniya, ilan sa mga tinanggal ay ang pagkakaroon ng sariling Philippine National Police o PNP, Commission on Audit o COA, Commision on Elections on Comelec, Commission on Human Rights, at Office of the Ombudsman para sa Bangsamoro government.
Binatikos naman ng ilang kritiko ang mga probisyong ito ng BBL, sa ilalim ng draft version ng Malacanang.
Anila, ang pagkakaroon ng hiwalay na tanggapan para sa bawat ahensya ay unconstitutional at walang basihan.
Ang BLL ay ang resulta ng mga negosasyon ng pamahaalan at ng Moro Islamic Liberation Front.
Ipinasa naman ni Sen. Marcos ang kanyang substitute bill noong Lunes.
Ngunit sa kabila ng alternatibong ipinasa ni Sen. Marcos, patuloy naman na sinuportahan nf Malacanang ang orihinal na bersyon ng BBL.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda noong Miyerkules na walang maiiwan sa pagbuo ng draft ng BBL.
“The agreement that we entered with the MILF during the peace negotiations in Malaysia, as well as the comprehensive framework on the Bangsamoro, took into consideration all the stakeholders whether you’re a Lumad, you’re a Christian, or Muslim. Everyone was involved,” ang wika ni Lacierda.
Aniya, malaki ang magiging papel ng MNLF sa binubuong Bangsamoro Government.
Magsisimula naman ang diskusyon ng Bangsamoro sa susunod na Linggo.
Ayon kay Drilon, umasa ang publiko na ang nasabing bill ay sumusunod sa konstitusyon, at inaasahan na makakamit ang kapayapaan sa Mindanao, na siyang magtataguyod sa kapakanan at kaunlaran ng mga tao.
Bagaman sinuportahan ng Malacanang ang naunang bersyon ng BBL, ikinatuwa naman ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP at ng government panel na namamahala sa kapayapaan sa MILF ang substitute measure ni Sen. Marcos.
Ayon kay Prof. Miriam Coronel Ferrer, ikinatuwa niya ang ganitong mga pagbabago dahil tanda ito na magsisimula na ang mga plenary debates sa upper house ng kongreso.
Sinabi namn ni OPAPP Sec. Teresita Quintos Deles nangangahulugan ito na malapit na sila sa pagpasa ng BBL. /Stanley Gajete