Pinay OFW na binugbog umano ng kanyang employer, pumanaw na sa Kuwait
Pumanaw na ang isang Filipino household worker sa Kuwait na umano’y inabuso at sinaktan ng kanyang employer.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, binawian ng buhay sa isang ospital ang Filipina household worker na si Amy Capulong Santiago bandang alas diyes ng gabi noong January 25.
Nabatid na matinding pambubugbog umano ang ginawa kay Santiago ng kanyang sariling employer.
Naisugod pa si Santiago sa Farwaniya Hospital pero idineklara rin na dead on arrival.
Dahil dito, inatasan na ni Bello si ang labor attache sa Kuwait na si Angelita Narvaez na bantayan ang kaso ni Santiago.
Noong araw din ng January 25 binitay ang isa pang Pinay household worker na si Jakatia Pawa dahil sa pagpatay umano sa anak ng kanyang employer noong taong 2007.
Pinagtibay ng Court of Cassation ng Kuwait ang death sentence ni Pawa noong 2010 at itinakda ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.