Suspek sa Dacer-Corbito slay case na si Cesar Mancao, sumuko na sa PNP

By Ruel Perez February 01, 2017 - 10:20 AM

Cezar Mancao
INQUIRER FILE PHOTO

Kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group NCR Director Senior Supt. Belli Tamayo na sumuko na sa pulisya si dating Sr. Supt. Cesar Mancao.

Si Mancao ay akusado sa pagpatay sa publicist na si Bubby Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong taong 2000.

Ayon kay Sr. Supt. Tamayo, kusang loob na sumuko si Mancao sa kanyang tanggapan sa Camp Crame noong araw ng Lunes, January 30.

Kahapon ng umaga ay agad na ibinalik sa korte ang warrant of arrest laban kay Mancao.

Sa ngayon nasa kustodiya ng CIDG-NCR si Mancao habang hinihintay ng commitment order na manggagaling sa korte.

Noong May 2013, tumakas si Mancao sa National Bureau of Investigation.

Lumipad patungong United States si Mancao kasama ang iba pang sangkot sa kaso kabilang na si Anti-Kidnapping Group Senior Superintendent Glenn Dumlao at Senior Superintendent Michael Ray Aquino.

Kalaunan ay napabalik din sila sa bansa para harapin ang kanilang kaso.

Si Dumlao ay nai-reinstate na habang si Aquino naman ay nakalaya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.