Shabu, ginamit na pambayad sa binibiling short at sando ng isang lalaki sa Blumentritt, Maynila

By Jong Manlapaz February 01, 2017 - 08:43 AM

Shabu payment
Kuha ni Jong Manlapaz

Isang lalaki ang inaresto ng isang concerned citizen matapos na ipambayad ang shabu sa biniling sando at short sa isang stall sa Blumentritt, Maynila.

Ang naarestong suspek ay isinuko ng tindero na nakilala lamang sa alyas na ‘Robin’ sa presinto na nakakasakop sa lugar.

Ang pulis naman ang nagdala sa PDEA-NCR office para maproseso ang suspek na nakilala sa pangalang Brenhar Castillo na nakunan pa ng mga pulis ng siyam na maliit na plastic sachet ng shabu na tinatayang may bigat na 2 grams.

Ayon kay alyas Robin, umabot sa P200 ang pinamili ni Castillo sa kanya kabilang ang P150 short at P50 na sando, pero kulang umano ang pera nito kaya inalok na lamang siya ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga umano ng P200 pesos.

Pagkakita ni alyas Robin ng shabu, agad umano nitong dinakma ang suspek at isinuko sa mga pulis.

Mariin naman itinanggi ng suspek ang paratang ni alyas Robin at hindi rin umano sa kanya ang nakuhang shabu.

Sa ngayon nasa pangangalaga na ng PDEA NCR ang suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.