Sa kanyang tweet, sinabi ni Dr. Agnes Callamard na ‘welcome’ ang naging hakbang ng administrasyon na pansamantalang nagpapatigil ng giyera kontra droga.
Gayunman, iginiit ni Callamard na dapat pa ring isulong ang imbestigasyon sa mga sangkot sa mga naunang extrajudicial killings sa bansa at mapanagot ang mga may gawa ng mga ito.
Matatandaang nakatakda sanang bumisita sa bansa si Callamard nitong Enero upang imbestigahan ang mga kaso ng extrajudicial at summary killings.
Gayunman, naudlot ito dahil sa paglalatag ng pangulo ng mga kondisyon bago payagan ang special rapporteur na mag-imbestiga na ayon kay Callamard ay paglabag sa umiiral na UN protocol.