Pagpapahinto ng drug war, isang ‘welcome development’ ayon sa UN Special rapporteur

By Jay Dones February 01, 2017 - 04:30 AM

 

CallamardMalugod na tinanggap ng United Nations Special Rapporteur ang pagpapahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong kampanya nito kontra sa iligal na droga.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Dr. Agnes Callamard  na ‘welcome’ ang naging hakbang ng administrasyon na pansamantalang nagpapatigil ng giyera kontra droga.

Gayunman, iginiit ni Callamard na dapat pa ring isulong ang imbestigasyon sa mga sangkot sa mga naunang extrajudicial killings  sa bansa at mapanagot ang mga may gawa ng mga ito.

Matatandaang nakatakda sanang bumisita sa bansa si Callamard nitong Enero upang imbestigahan ang mga kaso ng extrajudicial at summary killings.

Gayunman, naudlot ito dahil sa paglalatag ng pangulo ng mga kondisyon bago payagan ang special rapporteur na mag-imbestiga na ayon kay Callamard ay paglabag sa umiiral na UN protocol.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.