Pinay OFW, pinatay umano sa bugbog ng kanyang amo sa Kuwait

By Jay Dones February 01, 2017 - 04:26 AM

 

kuwaitIsang Pinay household service worker ang nasawi sa bansang Kuwait makaraang bugbugin umano ng kanyang sariling amo.

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na namatay noong January 25 habang ginagamot sa Farwaniya Hospital ang biktimang nakilalang si Amy Capulong Santiago.

Ayon sa grupong Assistance to Nationals Unit o ATNU ng Philippine Embasssy sa Kuwait, kinakitaan ng mga pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Karamihan aniya sa mga pasa ay nakita sa likurang bahagi ng Pinay.

Sa kasalukuyan, inaantabayanan ang resulta ng forensic examination sa labi ng biktima upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, hawak na ng Abdullah Mubarak Police Station ang lalakeng employer ng Pinay housemaid.

Agad namang ipinag-utos ni Bello sa mga kinauukulang ahensya sa ilalim ng DOLE na tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya ng nasawing Pinay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.