Mga pulis, pinagbawalan ng SC na lumapit sa mga ‘Tokhang’ victims sa QC
Naglabas ang Korte Suprema ng protection order sa mga pamilya ng mga biktima at survivor ng tokhang operation sa Payatas, Quezon City.
Sa en banc session, sinabi ng Supreme Court na ang ‘Temporary Protection Order’ ay magbabawal sa mga respondents na lumapit sa mga petitioners sa hanggang isang kilometro.
Ang kautusan ay bahagi ng writ of Amparo petition na pinagbigyan ng SC.
Ang writ of Amparo petition ay proteksyon ng indibidwal na may banta o nalalabag ang karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng seguridad.
Pinagbawalan ng korte ang mga pulis na makalapit sa mga kaanak ng apat na drug suspects na napatay sa ‘oplan tokhang’ at maprotektahan mula sa patuloy na panggugulo at panggigipit ng mga pulis.
Respondents sa petisyon ang PNP mismo na kinakatawan ni General Ronald dela Rosa, at iba pang opisyal at miyebro ng pulisya.
Samantala, inutusan din ng Korte Suprema ang Court of Appeals na magsagawa ng pagdinig sa petisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.