Dela Rosa sa mga pulis: ‘mag soul-searching kayo’

 

Julliane Love De Jesus/Inquirer.net

Hinikayat ni Chief PNP Ronald Bato dela Rosa ang lahat ng mga pulis na sumailalim sa ‘internal soul-searching.’

Ito ang mensahe ni Dela Rosa sa pagdalo niya sa isang misa sa Kampo Crame na pinangunahan ni Bishop Leopoldo Tumulak.

Paliwanag ni Dela Rosa, mahalaga sa kanilang lahat na maging malinis muna ang kalooban bago simulan ang internal cleansing sa kanilang hanay.

Inamin ni Bato na sa sobrang abala ng mga pulis sa trabaho, baka nakalilimot na sila na humingi ng gabay sa Panginoon.

Wala naman aniyang ibang pwedeng makatugon sa mga kinakaharap na hamon ng PNP at mga problema ng bawat indibidwal kundi ang nasa itaas.

Kaugnay nito, sinabi ni dela Rosa na ipasasailalim niya sa spiritual retreat ang mga pulis kung kinakailangan.

Read more...