Retired police general, hinamon si dating Pangulong Aquino na patunayan na walang kinalaman sa Mamasapano operation

By Rohanisa Abbas January 31, 2017 - 03:19 PM

Napeñas-4Hinamon ni Getulio Napeñas, dating hepe ng Special Action Forces, si dating Pangulong Benigno Aquino III na patunayan na wala siyang sala sa ‘Oplan Exodus’ sa Mamasapano.

Sa isang panayam, iginiit ni Napeñas na hindi siya kailanman inutusan ni dating PNoy na makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines ukol sa naturang operasyon.

Hinimok pa nito si Aquino na lumagda sa isang waiver para maisiwalat ang nilalaman ng kanyang cellphone simula January 24 hanggang 25, 2015.

Dagdag ni Napeñas, hindi US ang nanguna sa operasyon sa Mamasapano na layong tugisin ang teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Aniya, tumulong lamang ang US sa paghahanap ng kinalalagyan ni Marwan, pagtatayo ng command post s a Shariff Aguak, Maguindao, medical assistance matapos ang insidente, at imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation.

Matatandaang sa opisyal na pahayag ni inilabas nito, isinisisi ni dating PNoy kay Napeñas ang madugong engkwentro sa Mamasapano dahil sa paglabag umano nito sa kanyang kautusan na makipag-ugnayan sa Philippine Army.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.