Seguridad sa Davao City, pinaigting para sa ASEAN meeting

asean2017Naghigpit ng seguridad sa Davao City kasabay ng simula ng 23rd meeting ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay Chief Inspector Manuel Gaerlan, Police Regional Office 11 Regional Director, sana ay makipag-ugnayan sa mga pulis ang publiko kung may kakaibang pangyayari sa paligid.

Mahigit isang daang foreign at local delegates ang inaasahang darating ngayong araw sa lungsod.

Mula kahapon ay nasa 1,500 na mga pulis at sundalo ang itinalaga sa iba’t-ibang bahagi ng Davao para sa ASEAN meeting na tatagal hanggang February 22.

Una nang sinabi ng PRO-11 na nakapagsagawa na rin ang Task Group Davao secretariat ng headcount at briefing sa mga pulis na ikakalat sa siyudad.

Activated na rin ang multi-agency coordinating center para mamonitor ang kaligtasan at seguridad ng mga delegado.

Read more...