NBI at PDEA, pansamantalang mamumuno sa mga anti-drugs operation
Pangungunahan muna ng National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency ang anumang operasyon laban sa iligal na droga.
Ipinauubaya ng Philippine National Police ang anti-illegal drugs operation matapos iutos ni PNP chief Ronald Dela Rosa ang paghinto ng Oplan Tokhang at pagbuwag sa PNP Anti-Illegal Drugs Unit.
Ayon kay PNP spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos, wala munang gagawing pre-planned operation ang mga pulis gaya ng buy-bust at raid sa mga suspected drug personalities.
Bahala na muna aniya ang PDEA at NBI na gampanan ang maiiwang trabaho ng pulisya laban sa iligal na droga.
Pagtutuunan muna ng PNP ang paglilinis sa kanilang hanay mula sa mga bugok at tiwaling mga pulis sa pamamagitan ng isang counter-intelligence task force.
Una nang sinabi ni General Bato na nasa 48,000 o 40 percent ng police force ang maituturing na scalawags at sinasamantala ang Oplan Tokhang na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.