Balasahan, posibleng ipatupad sa DOLE officials sa Kuwait

By Rohanisa Abbas January 31, 2017 - 12:01 PM

silvestre-bello-e1463663221184
FILE PHOTO

Maaaring balasahin ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment sa Kuwait matapos ang kawalan ng ugnayan at aksyon sa mga kasong sangkot ang overseas Filipino workers.

Ipinahayag ito ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa isang panayam.

Aniya, nalaman na lamang niya ang pagbitay sa OFW na si Jakatia Pawa mula sa pamilya nito, at hindi sa DOLE sa Kuwait.

Matatandaang noong nakaraang linggo, binitay si Pawa dahil sa pagkamatay ng anak ng kanyang amo noong 2007.

Samantala, ipinag-utos ni Bello sa labor attaches ng Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng mundo na magsumite ng listahan ng mga Pilipinong nakakulong at mga nasintensyahan ng kamatayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.