DFA, tiniyak na tutugunan ang mga pangangailangan ng OFWs
Siniguro ng Department of Foreign Affairs na nakatutok ang pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga overseas filipino workers o OFW sa ibayong dagat.
Sinabi ito ni DFA Sec. Perfecto Yasay kasunod ng kaniyang naging pagbisita sa Saudi Arabia noong nakaraang linggo.
Ayon kay Yasay, ipinadala siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Saudi upang alamin at pakinggan ang mga problema ng mga Filipino roon.
Pinulong ng kalihim ang mahigit sa isandaang lider ng pinoy organizations sa nasabing bansa.
Kasabay nito, hinikayat niya ang pinoy community sa Saudi Arabia na magtulungan.
Samantala, sinabi ni Yasay na layunin din ng kaniyang pagtungo sa Saudi na plantsahin ang napipintong pagbisita ni Pangulong Duterte roon ngayong taon. / Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.