Tatlong preso, tumakas; sinamantala ang sunog sa Navotas City
Umabot sa ika-limang alarma ang mahigit dalawang oras na sunog na naganap sa M. De Vera Street, Brgy. Sipaca-Almacen, Navotas City.
Ayon kay Navotas BFP Marshall Chief Inspector Eduardo Bisbal, 8:40 kagabi ng magsimula ang sunog at idineklarang fire out alas onse na ng gabi.
Pero umabot sa dalawampung bahay ang nasunog at tinatayang nasa apatnapung pamilya ang naapektuhan habang nasugatan naman ang isang apat na taong gulang na si Jover Navarro na nagtamo ng 2nd degree burn.
Subject of interest naman ng mga awtoridad ang isang Mayang Bolano na itinuturong may kinalaman sa pinagmulan ng apoy.
Hindi naman nadamay ang katabing Navotas City Jail dahil sa fire wall nito, pero ang pagkakataong ito ang sinamantala ng tatlong bilanggo na tumakas.
Ayon kay Navotas City Jail Warden Senior Inspector Joey Gebosera, kaagad din naaresto ang tatlo na hindi na pinangalanan habang nilagay pansamantala sa lock down ang Navotas City Jail.
Nagtamo ng mga sugat at galos ang tatlong bilanggo matapos sumabit sa mga barb wire sa perimeter fence.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.