Nakunan muli ang maybahay ng Action Star na si Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Sa Facebook Messenger alert ng aktor, kinumpirma nito na nag-suffer ng miscarriage ang actress-TV host na nagdadalantao ng triplets.
Ayon naman sa Manager ng mag-asawa na si Betchay Vidanes, nangyari ang ‘miscarriage’ dakong alas 6:30 ngayong gabi.
Humihingi naman ng panalangin ang mag-asawa para sa kanilang naunsyaming mga anak.
Nito lamang March 16 unang nakunan ang TV Host-actress.
Una na ring nag-backout sa kanyang movie project si Binoe dahil sa nais nitong asikasuhin ang pagdadalantao ng triplets ng kanyang misis.
Katambal sa naturang proyekto ni Robin ang dating Japanese Adult Video Star na si Maria Ozawa. / Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.