Lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes si Jerry Omlang alyas “Jerry” na kasama sa mga suspek, tulad nina SPO3 Ricky Sta. Isabel, Dumlao at SPO4 Roy Villegas.
Ayon kay NBI National Capital Region (NCR) supervising agent Darwin Lising, si Omlang ay isang “striker” o errand boy sa kanilang opisina.
Nilinaw rin ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II at NBI Director Dante Gierran na hindi nila ahente o asset si Omlang.
Pumunta si Omlang sa NBI upang humingi ng proteksyon dahil sa umano’y mga natatanggap niyang banta sa kaniyang buhay na mula aniya kay “Colonel Dumlao.”
Ayon kay Omlang, isa siya sa mga nag-manman sa tahanan ni Jee, at siya rin ang nahuli sa CCTV ffotage na nagwi-withdraw sa isang bangko gamit ang ATM card ng misis ng biktima.
Iginiit rin niya na si “Colonel Dumlao” ng AIDG ang utak ng krimen na ito, at na nadamay lang siya dahil niyaya siya ng kaibigan niyang si Sta. Isabel na sumama sa kanila.