Seguridad ng pamilya ni Jee Ick Joo, tiniyak ng Malacanañg

Jee Ick-joo was allegedly abducted in October by a group that includes a policeman
Jee Ick-joo was allegedly abducted in October by a group that includes a policeman

Tiniyak ng Malacanañg na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Ito ang naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa biyuda ni Jee na si Choi Kyung Jin nang magpulong sila sa Palasyo kanina.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nagbigay ng kasiguraduhan si Pangulong Duterte sa biyuda ng Koreano na ipamamadali nito ang pagbibigay ng hustisya sa pagpatay kay Jee.

Bukod dito, siniguro din ng Malacanañg na bibigyan nila ng seguridad ang pamilya ng South Korean businessman.

Noong Oktubre 18, dinukot at pinatay sa loob mismo ng Camp Crame si Jee ng mga miyembro ng PNP Anti-Illegal Drugs group.

Dahil dito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte itinigil muna ang kanyang war on drugs at mas pagtuunan ng pansin ang pagsugpo sa mga police scalawags kasunod ng pagkakasangkot ng ilang opisyal ng AIDG sa kidnap-slay case ni Jee Ick Joo.

Read more...