Pagdinig ng senado sa Tokhang for Ransom, suspendido muna ayon kay Senator Lacson

By Jan Escosio January 30, 2017 - 12:42 PM

lacson-1123-620x349Sinusupinde muna ni Senator Ping Lacson ang pag-iimbestiga ng pinamumunuan niyang senate committee on public order and dangerous drugs sa isyu ng nabunyag na “Tokhang for Ransom” modus matapos ang pagpatay sa Korean Businessman na si Jee Ick Joo.

Ayon kay Lacson, kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang anti-drugs unit kung saan kabilang sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at Supt. Rafael Dumlao.

Imomonitor muna aniya ng senado ang magiging positibong hakbang ng pambansang pulisya kasama na ang pagtugis ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga police scalawags.

“In view of the massively restructured war vs illegal drugs that has abolished all the PNP’s anti-drugs units in order to focus on police scalawags as ordered by the President, it is my view that the Senate wait & see how its latest development plays out. I am suspending the hearings on ‘tokhang for ransom issue’,” ayon kay Lacson.

Dagdag pa ng senador marami na rin naman silang nakuhang detalye sa naunang imbestigasyon at katunayan ay nakabuo na sila ng ilang isusulong na panukala at rekomendasyon sa PNP.

Kasama dito ang pagbusisi sa lawak ng kayamanan ni Sta. Isabel at iba pang idinadawit na pulis.

 

TAGS: lacson, Senate, tokhang for ransom, War on drugs, lacson, Senate, tokhang for ransom, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.