Deadline para tapusin ang problema sa illegal drugs, pinalawig hanggang 2022 ni Pangulong Duterte

duterte presidential photoPinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang self-imposed deadline niya para resolbahin ang problema sa ilegal na droga.

Sa halip na March 2017, pinalawig pa ng pangulo ng hanggang 2022 ang deadline o hanggang matapos ang kanyang anim na taong panunungkulan sa pwesto.

Ayon sa pangulo, hiningi niyang palawigin ang pagsugpo sa illegal drugs problem sa bansa dahil hindi niya akalain na ganito kalala ang problema ng droga sa Pilipinas.

Nadiskubre na lang aniya niya kung gaano kalawak ang suliranin nang siya’y naging pangulo na at magkaroon ng access sa mga classified information patungkol sa ilegal na droga.

Kaya ang timeline ng pangulo sa pagsugpo sa illegal drugs, tapusin ito sa loob ng anim na taon ng kanyang panunugkulan.

 

 

 

Read more...