Driver ng naaksidenteng Valisno Bus, nag-positibo sa drug test; Sinampahan na ng kaso
(Update) Positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang driver ng Valisno Express Bus na sangkot sa aksidente kahapon ng umaga sa Quirino Highway, Lagro, lungsod ng Quezon.
Base sa isinagawang pagsusuri ng QCPD Crime Laboratory sa ‘urine sample’ ni George Pacis lumabas na gumagamit ito ng ‘methampetamine’.
Gayunman, ayon kay Police Senior Inspector Bernardo Roque, sasailalim pa sa confirmatory test ang urine sample ni Pacis.
Matapos ang aksidente, tumakas pa ang driver ngunit natunton din ito ng mga otoridad sa Balagtas,Bulacan.
Samantala, sinampahan na ng patung-patong na kaso ng reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple serious physical injuries ang driver na si Pacis.
Inihahanda na rin ang kasong paggamit ng iligal na droga laban sa suspek na driver.
Una nang pinatawan ng LTFRB ng 30-day suspension ang lahat ng bus ng Valisno Express Bus./ Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.