LOOK: Mga kandidata na nakapasok sa Top 6 ng Miss Universe 2016

Pasok ang pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina sa top 6 ng Miss Universe Pageant.

Matapos ianunsyo ang top 9, nagtagisan ang siyam na kandidata para sa evening gown.

Rumampa si Maxine suot ang kulay pula at silver na evening gown nito na hiniyawan ng crowd sa MOA.

Nang ianunsyo ang top 6, pang-apat si Maxine sa mga tinawag.

Maliban sa Pilipinas, kabilang sa mga nakapasok sa top 6 ang pambato ng France, Kenya, Colombia, Thailand at Haiti.

Sunod na magtatagisan ang anim na kandidata sa Question and Answer portion, bago piliin ang top 3.

 

Read more...