LOOK: Mga kandidata na nakapasok sa Top 9 ng Miss Universe 2016
Pasok ang pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina sa top 9 ng Miss Universe Pageant.
Nabalot ng tensyon ang mga Pinoy fans na nag-aabang ng anunsyo, dahil si Maxine ang huling-huli tinawag ng host na si Steve Harvey.
Maliban sa Pilipinas, kabilang sa mga nakapasok sa top 9 ang pambato ng USA, Thailand, France, Mexico, Kenya, Colombia, Canada at Haiti.
Sunod na ipinakita ang national costume competition ng mga kandidata na ginanap sa preliminary competition.
Nagwagi sa national costume si Miss Myanmar na ang costume ay nasa 14 na kilo ang bigat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.