Mga anak at pamangkin ng SAF 44, may libreng paaral hanggang kolehiyo

August 13, 2015 - 07:53 PM

Inquirer file photo

Aprubado na ng National Police Commission o Napolcom ang scholarship grants ng mga anak at pamangkin ng Gallant 44 ng PNP Special Action Force.

Ito ang inanunsiyo ni PNP PIO Director Chief Supt. Wilben Mayor at aniya ang libreng pagpapaaral ay hanggang sa matapos sa kolehiyo ang mga dependents.

Aniya, 46 sa mga dependents ang nabigyan ng Educational Assistance certificates, 43 ang nakakuha ng grant mula sa Presidential Social Fund at 17 ang binigyan ng scholarship ng Commission on Higher Education o CHED.

Sinabi pa ni Mayor na may 25 pang mga application ang ipino-proseso na ang mga dokumento para mabigyan din ng scholarship grant.

Ang mga nasa pre-school at elementary na dependent ay tatanggap ng 18,000 pesos, 24,000 pesos sa mga nasa high school, samantalang sa bawat semester ay 24,000 pesos naman ang matatanggap ng mga kumukuha ng Vocational Courses at 30, 000 pesos naman ang nasa kolehiyo./ Jan Escosio

 

 

TAGS: saf 44, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.