Ilang miyembro ng LGBT community, rumampa ng naka-gown sa MOA bilang suporta kina Pia at Maxine
Ilang fans ni Queen Pia at Maxine Medina, maagang nagsidatingan sa SM MOA Arena
Magmimistulang asul ang kulay ngayong araw nang nagsidatingan ang ilang LGBT community fans sa idaraos na 2016 Miss Universe Coronation day sa SM MOA Arena sa Pasay City.
Alas tres y medya pa lamang ng madaling-araw, dumating na si Tiffany Apostol, trenta anyos mula sa Trece Martires, Cavite, kasama ang mga kaibigan sa labas ng pagdarausan ng naturang pageant.
Agaw-atensyon ang suot na blue evening gown nito bilang pagpapakita ng suporta sa idolong si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Aniya pa, 100 percent pa rin ang suporta kay Miss Philippines Maxine Medina sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos nito.
Maaga ring dumating si Nei Sumalacai alyas Daya ara Mesmeize, na lumipad pa mula Burmingham, England para lang masilayan ang pageant.
Isa si Dayanara sa masusuwerteng nakabili sa sold out event.
Kwento nito, nagpabili siya agad ng ng ticket sa kaniyang kaibigan dito sa Pilipinas nang malaman ang opisyal na magbubuksan ng bentahan ng ticket.
Paliwanag nito, hindi nito palalampasin ang mga ganitong pagkakataon dahil bihira lang aniya mangyari sa bansa.
Samantala, kapansin-pansin rin ang iba pang gimik ng ilan upang ilaban ang Pilipinas sa naturang kompetisyon. Ang ilan, nakasuot pa ng Philippines sash at may ilan ring dala ang bandera ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.