Libu-libong residente sa Butuan, inilikas dahil sa pagbabaha

By Kabie Aenlle January 30, 2017 - 04:14 AM

 

Inquirer file photo

Hindi bababa sa 3,600 na mga pamilya o mahigit 14,000 na indibidwal ang kinailangang ilikas mula pa noong Sabado hanggang kahapon dahil sa pagbabaha na idinulot ng malalakas na ulan na bumuhos sa Butuan City.

Wala namang bagyo, ngunit nagdulot ng malalakas na ulan ang low pressure area at ang tail-end of a cold front sa lungsod na ito.

Dahil dito, sa mga pampublikong paaralan at mga covered courts pansamantalang nagpalipas ng gabi at namalagi ang libu-libong mga residenteng naapektuhan ng baha.

Nawalan rin ng kuryente at supply ng tubig sa ilang bahagi ng lungsod dahil sa pag-uulan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.