Estafa case ni Ramon S. Ang laban sa GMA Execs, iniatras na

August 13, 2015 - 05:11 PM

Mula sa bandera.inquirer.net

Iniatras na ni San Miguel Corporation President at Chief Operating Officer Ramon Ang ang P1-Billion sydicated estafa case laban kay GMA Chairman Atty. Felipe Gozon at siyam na iba pa.

Sa kanilang disclosure sa trading floor ng Philippine Stock Exchange, nagkaroon ng amicable settlement sa magkabilang panig.

Pumayag ang kampo ni Gozon na ibalik ang P1 Billion na downpayment ni Ang para sa pagbili sana ng 34-percent shares ng naturang broadcast network.

Nag-ugat ang kaso makaraang mabigo si Ang na mabawi ang nasabing halaga nang bumagsak ang kanilang negosasyon noong nakalipas na buwan ng Hunyo dahil sa ilang business at personal issues.

Kasama rin sa mga dating kinasuhan ang ilang miyembro ng FLG Group na sina Felipe Gozon Jr., Anna Thereza-Abrogar at Ismael Gozon.

Isinabit rin sa kaso ang iba pang major stockholders ng GMA na sina Belinda Madrid, Erlinda Gana, Jaime Gana, Florencia Gozon Tarriela, Edgar Tarriela at Tricia Valderrama.

Hindi kinasuhan ni Ang ang iba pang major stockholders ng GMA na sina Medardo Jimenez at Gilberto Duavit Jr. dahil nangako sila na ibabalik ang naibayad sa kanila ng naturang negosyante. / Den Macaranas

 

 

TAGS: GMA, Ramon Ang, GMA, Ramon Ang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.