Miss Colombia, ‘candidate to beat’ sa 65th Miss Universe

By Inquirer, Jay Dones January 30, 2017 - 04:37 AM

 

Edwin Bacasmas/Inquirer

Isa sa mga kandidatang masusing babantayan rin ng mga manonood sa gaganaping Miss Universe coronation ngayong umaga ay ang magiging performance ni Miss Colombia Andrea Tovar.

Ito ay sa kadahilanang naging kontrobersyal ang ‘pagkatalo’ ng kandidata ng Colombia noong nakaraang 2015 Miss Universe dahil sa maling anunsyo na ginawa noon ng American host na si Steve Harvey.

Matatandaang noong nakaraang Miss Universe pageant, idineklara ni Harvey bilang panalo si Miss Colombia Ariadna Gutierrez at naipatong na ang korona sa ulo nito.

Gayunman, makalipas ang ilang minuto, binawi ni Harvey ang kanyang anunsyo at idineklarang panalo si Miss Philippines Pia Wurtzbach.

Lalong naging masakit para sa mga taga-Colombia ang eksena nang alisin ng noo’y outgoing Miss Universe na si Paulina Vega na mula rin sa bansang Colombia ang korona sa ulo ni Gutierrez.

Sa kasalukuyan, nangunguna sa mga betting sites si Tovar sa mga posibleng susunod na Miss Universe.

Nasa ikawalong puwesto naman ang kandidata ng Pilipinas na si Maxine Medina.

Gayunman, sa pinakahuling resulta ng online poll ng Miss Universe, nangunguna si Medina na may 39.98 milyong boto.

Ilan naman ay nagsasabing malaki ang iniangat ni Mariam Habach ng Venezuela sa nakalipas na preliminary swimsuit at evening gown competition dahil sa matindi nitong stage presence.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.