Balik na sa kustodiya ng pulisya si Supt. Rafael Dumlao na itinuturo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na umano’y pasimuno ng pagdukot at pagkidnap sa South Korean na si Jee Ick Joo.
Inanunsyo ni PNP Chief Dela Rosa ang pagbabalik sa kustodiya ni Dumlao sa kalagitnaan ng press conference ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan binalaan pa nito sa Dumlao na lumantad sa loob ng 24 oras.
Kung hindi ito lalantad, nagbabala pa ang pangulo na maglalaan ng 5-milyong piso para sa ulo ni Dumlao, ‘dead or alive’.
Una rito, palihim na umalis sa kustodiya ng PNP si Dumlao nitong Sabado.
Ayon kay Dela Rosa, handa na aniya si Dumlao na isiwalat ang kanyang nalalaman sa pagkidnap at pagpatay at paghingi pa ng ransom para sa negosyanteng si Jee Ick Joo noong Oktubre ng nakaraang taon.
Bukod kay Dumlao, nagbabala rin si Pangulong Duterte na maglalaan ng tig-isang milyong piso para sa tatlo pang NBI agents na umano’y sangkot sa naturang krimen kung hindi susuko ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Kung hindi, agad niyang sisibakin ang pinuno ng NBI na si Dante Gierran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.