Dagdag sahod sa mga Gov’t workers, posibleng isabay na sa 2016 National Budget – Drilon

Mula sa inquirer.net

Pinag-aaralan na ng Senado na isabay sa pag-apruba sa 2016 National Budget ang panukalang umento sa sahod sa mga manggagawa sa gobyerno.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, hinihintay na lamang ng senado ang draft sa Salary Standardization Law 4 mula sa Palasyo ng Malacañang.

Aabot aniya sa mahigit 50 billion pesos ang nakalaang pondo para sa salary adjustment ng mga gov’t workers.

Bukod pa rito ang 17 Billion pesos para naman sa ‘merit increase’ kung kaya aabot sa kabuuang 67 billion pesos ang pondo sa pagtataas ng sahod.

Sa ngayon ay tuloy ang briefing ng Development Budget Coordinating Committee sa 2016 budget na aabot ng mahigit 3 Trilyong piso. / Chona Yu

 

 

Read more...