US green card holders, kailangan nang sumailalim sa karagdagang screening ayon sa White House

By Mariel Cruz January 29, 2017 - 02:20 PM

 

white-house1Obligado nang sumailalim sa karagdagang screening ang mga green card holder sa United States bago sila makabalik sa bansa ayon sa White House.

Ayon sa isang opisyal ng Department of Homeland Security, kasama sa bagong executive order na pinirmahan ni US President Donald Trump ang pagpigil sa mga green card holders na nakaalis na sa US pero may planong bumalik.

Sa nasabing bagong EO, haharangin nito na makapasok sa US ang mga tao na mula sa pitong Muslim countries.

Ang green card ay ang magsisilbing susi para maging isang legal permanent US resident ang isang tao.

Pero agad naman nilinaw ng isang senior official ng White House ang naturang utos at sinabi na papayagan naman makabalik ang lahat ng green card holders sa US basta sumailalim lamang sa karagdagang screening.

TAGS: green card holder, united states, White House, green card holder, united states, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.