Bangkang may 30 pasahero, nawawala sa Malaysia

By Mariel Cruz January 29, 2017 - 12:47 PM

 

Kota Kinabalu, Malaysia Google map
Kota Kinabalu, Malaysia Google map

Nawawala ang isang bangka na may sakay na tatlumpu’t isang pasahero, kabilang na ang mahigit dalawampung Chinese tourist sa Malaysia.

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, sinabi ng Chinese Consulate General sa Kota Kinabalu na nawalan ng contact ang bangka ilang oras matapos maglayag sa eastern part ng Malaysia.

Umalis ang naturang bangka sa Kota Kinabalu umaga ng Sabado kung saan patungo ito ng Pulau Mengalum Island.

Agad naman nagpadala ng search and rescue ships at helicopters ang Malaysian Maritime Enforcement Agency matapos makatanggap ng tawag kagabi ukol sa pagkawala ng naturang bangka.

Ayon naman sa Malaysian newspaper na The Star, aabot sa dalawampu’t walong turista mula sa China ang sakay ng bangka.

TAGS: 30 Chinese tourists, Kota Kinabalu, Malaysia, 30 Chinese tourists, Kota Kinabalu, Malaysia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.