Robredo, imbitado sa Miss Universe 2016 ayon sa DOT; pero imbitasyon, hindi tinanggap
Hindi tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang imbitasyon para sa Miss Universe 2016 pageant.
Ito ang kinumpirma ni Tourism Department Sec. Wanda Teo kasunod ng mga ulat na hindi nabigyan ng imbitasyon na dumalo ang pangalawang pangulo.
Noong Biyernes, sinabi ni Robredo na hindi siya dadalo sa beauty pageant dahil hindi naman siya imbitado.
Pero itinanggi agad ito ni Teo kahapon at sinabing na-delay lamang ang pagbibigay nila ng imbitasyon para sa bise presidente.
Ang gusto aniya nilang ibigay kay Robredo ay VIP tickets ngunit ang available pa lamang ay lower box tickets.
Dagdag ni Teo, bibigyan nila ng dalawang VIP tickets ni Robredo na nagkakahalaga ng P50,000 kada isa.
Pero hindi aniya tinanggap ng pangalawang pangulo ang imbistasyon at sinabing hindi ito makakapunta.
Iginiit din ni Teo na unang una sa kanyang listahan ng mga imbitado sa Miss Universe 2016 coronation day si Vice Pres. Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.