Sa pinakahuling tala kaninang alas sais ng umaga, umabot na sa kabuuang 7,000,067 na mga tahanan ang nadalaw ng mga police personnel.
Batay pa sa PNP, umakyat na sa 1,177,817 ang sumukong drug suspects, kung saan 79,338 ay mga drug pushers at 1,098,479 ay drug users.
Kabuuang 2,548 na drug suspects naman ang napatay samantalang 52,877 ang naaresto mula sa 43,432 police anti-illegal drug operations.
35 police personnel naman ang napaslang habang 86 ang sugatan sa kasagsagan ng mga anti-illegal drug operations.
Sa hanay ng mga sundalo, tatlo ang sugatan samantalang walo ang sugatan.
Ang Project Tokhang o tinatawag ding Oplan Tokhang ay kampanya ng PNP kung saan magbabahay-bahay ang mga pulis, partikular kung saan nakatira ang mga hinihinalang mga sangkot sa ilegal na droga.