Phil. Coast Guard, magbabantay rin sa seguridad ng Miss Universe 2016

By Ricky Brozas January 29, 2017 - 11:55 AM

philippine coast guardMagdedeploy ang Philippine Coast Guard ng isang malaking bangka na may Coast Guard Cutter sa Manila Bay malapit sa SM Mall of Asia para tumulong sa pagtiyak ng seguridad ng Miss Universe Pageant sa Lunes.

Ayon kay PCG NCR Spokesman Ensign Mizar Cumbe, ang malaking bangka ay ipupwesto 500 yards ang layo mula sa dalampasigan ng MOA.

Pitumpung yarda naman mula sa dalampasigan ng MOA, magtatalaga ang PCG ng tatlong maliit na bangka, isang rubber boat at dalawang aluminum boat.

Nag-isyu na rin ang PCG ng notice to mariner o NOTAM para iwasan ang pagbyahe ng mga sasakyang pandagat sa paligid ng MOA.

Kung may magtatangka umanong dumaan sa loob ng 700 yards ng shoreline ng MOA, itataboy sila palayo ng mga floating asset ng PCG.

Katuwang din ng PCG sa pagtiyak ng seguridad sa Manila Bay malapit sa MOA ang PNP-Maritime Group.

TAGS: 2016 miss unverse, philippine coast guard, SM Mall of Asia, 2016 miss unverse, philippine coast guard, SM Mall of Asia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.