Edgar Matobato, kinasuhan ng kidnapping dahil sa pagkawala ni Sali much Doom

By Ricky Brozas January 29, 2017 - 11:54 AM

edgar-matobato-1-620x413Nahaharap na naman sa panibagong kaso ang umaming umano’y myembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.

Ito ay makaraang ihain ng piskalya ang kasong kidnapping laban kay Matobato at sa isang Sonny Custodio dahil sa umano’y pagdukot sa hinihinalang terorista na si Sali Muck Doom, labimpitong taon na ang nakakalipas.

Ang kaso ay inihain sa Panabo Regional Trial Court sa Davao Del Norte.

Nabatid na sa resolusyon ni Prosecutor Joseph Apao ng Island Garden City of Samal, may probable cause para iakyat sa korte ang reklamo.

Walang pyansa na inirekumenda ang piskalya para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Mirasol Marquez, live in parter ni Muck Doom na dinukot nuong November 9, 2000.

TAGS: edgar matobato, Kidnapping, Panabo Regional Trial Court, edgar matobato, Kidnapping, Panabo Regional Trial Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.