Tulong para sa pamilya ng binitay na OFW sa Kuwait, tiniyak ng DOLE

By Ricky Brozas January 29, 2017 - 11:52 AM

JAKATIA PAWAPinamamadali ni Labor Secretary Silvestre Bello ang pagkakaloob ng tulong sa pamilya ni Jakatia Pawa, ang overseas Filipino worker na nabitay sa Kuwait.

Sa isang pahayag, partikular na inaatasan ni Bello ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na inatasan din para isailalim sa psycho-social counselling ang Pamilya Pawa.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pakikidalamhati si Bello sa pamilya Pawa lalu pa’t batid niyang doble ang sakit para sa kanila ng biglaang pagpapatupad ng hatol na bitay.

Tatanggap ang naulilang pamilya ni Pawa ng P120,000 tulong-pinansiyal, kasama ang P20,000 tulong sa pagpapalibing.

Makakatanggap din ng college scholarship ang dalawang anak ni Jakatia.

Kaugnay nito, pupunta sa Zamboanga del Norte si OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac upang bisitahin at makiramay sa pamilya ni Pawa at alamin kung ano pang karagdagang tulong ang maaaring maibigay.

TAGS: jakatia pawa, Labor Secretary Silvestre Bello, OFW na binitay sa Kuwait, OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac, jakatia pawa, Labor Secretary Silvestre Bello, OFW na binitay sa Kuwait, OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.