Ayon kay MILF First Vice Chairman Ghazali Jaafar, tinitiyak nila na wala na silang tutulungan na terorista alinsunod na rin sa kanilang peace deal sa gobyerno.
Matagal na aniya silang sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan kontra sa terorismo.
Tiniyak din ni Jaafar na susuportahan nila ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga kasabay ng pangako na walang masasangkot sa kanilang hanay sa anumang drug group.
Noong Biyernes, nagbabala si Duterte sa MILF at Moro National Liberation Front (MNLF) na aatakihin ang kanilang kampo kung mayroon pa silang kinakanlong na terorista.
Sinabi din ng pangulo na mapipilitan siyang utusan ang Armed Forces of the Philippines na atakihin ang kampo ng MILF at MNLF kung may susuportahan pa silang terorista.
Matatandaan na noong nakaraang Huwebes, naglunsad ang opensiba ang militar laban sa mga teroristang grupo sa Butig, Lanao del Sur.
Layunin ang military operation na madakip si Abu Sayyaf Senior Leader Isnilon Hapilon na napaulat na lider na ngayon ng Islamic State group sa Pilipinas.