Isang lider ng MILF, suportado ang panawagan ni Pangulong Duterte na huwag kanlungin ang mga terorista

By Mariel Cruz January 29, 2017 - 11:50 AM

 

MILF-0409Suportado ng isang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag kanlungin ang mga terorista na nasa kanilang teritoryo.

Ayon kay MILF First Vice Chairman Ghazali Jaafar, tinitiyak nila na wala na silang tutulungan na terorista alinsunod na rin sa kanilang peace deal sa gobyerno.

Matagal na aniya silang sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan kontra sa terorismo.

Tiniyak din ni Jaafar na susuportahan nila ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga kasabay ng pangako na walang masasangkot sa kanilang hanay sa anumang drug group.

Noong Biyernes, nagbabala si Duterte sa MILF at Moro National Liberation Front (MNLF) na aatakihin ang kanilang kampo kung mayroon pa silang kinakanlong na terorista.

Sinabi din ng pangulo na mapipilitan siyang utusan ang Armed Forces of the Philippines na atakihin ang kampo ng MILF at MNLF kung may susuportahan pa silang terorista.

Matatandaan na noong nakaraang Huwebes, naglunsad ang opensiba ang militar laban sa mga teroristang grupo sa Butig, Lanao del Sur.

Layunin ang military operation na madakip si Abu Sayyaf Senior Leader Isnilon Hapilon na napaulat na lider na ngayon ng Islamic State group sa Pilipinas.

TAGS: MILF, MILF First Vice Chairman Ghazali Jaafar, mnlf, Rodrigo Duterte, Terorismo, MILF, MILF First Vice Chairman Ghazali Jaafar, mnlf, Rodrigo Duterte, Terorismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.