Mga alagad ng gobyerno, handang-handa na para sa Miss Universe 2016

Photo by Isa Avendaño-Umali
Photo by Isa Avendaño-Umali

Kasado na ang lahat para sa pinakahihintay na Miss Universe 2016 beauty pageant, na gaganapin bukas (January 30).

Sa paglilibot ng Radyo Inquirer ngayong bisperas ng Miss Universe, kapansin-pansin ang pagdami ng pulis at sundalo na naka-deploy sa paligid ng MOA Arena, kung saan isasagawa ang pageant.

Maging ang pwersa ng Bureau of Fire Protection at Philippine Red Cross ay naka-deploy na rin.

Inaasahan na lalong hihigpit ang seguridad sa loob at labas ng MOA Arena, dahil bukod sa mga kandidata at mga hurado, may mga VIPs din na darating bukas gaya ng mga opisyal ng gobyerno.

Agaw atensyon naman ang higanteng Miss Universe crown sa harap ng MOA Arena, na dinadagsa pa ng mga tao upang magpa-selfie o magpa-picture.

Samantala, kaninang umaga ay dumating sa MOA Arena ang mga Miss Universe candidates para sa kanilang last rehearsal.

Mamayang hapon naman, may red carpet event kung saan dadalo ang mga host ng Miss Universe, sa pangunguna ni Steve Harvey, mga musical performers, mga hurado at syempre si Miss Universe 2014 Pia Wurtzbach.

 

Read more...