Dagdag-sweldo ni Pang. Duterte, papalo ng P56,526 simula ngayong buwan

 

Tataas ng P56,526 ang sweldo ni Pangulong Rodrigo Duterte simula ngayong buwan.

Papalo ang basic salary buwan-buwan ng pangulo mula P165,752 sa P222,278.

Sa anim na buwan, doble ang itinaas ng sweldo nito kumpara sa buwanang sahod ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na P120,000.

Ang malaking dagdag-pasahod ay batay sa ilalim ng primadong Executive Order No. 201 ni Aquino noong February 19, 2016 kung saan madagdagan ang four-year basic pay ng mga government officials.

Sa lahat ng opisyal ng gobyerno, si Duterte ang magkakaroon ng pinakamalaking pag-angat sa sweldo bilang saklaw ng Salary Grade 33.

Gayunman, ipinagbabawal naman ng Konstitusyon ang pagtanggap ng dagdag na kabayaran tulad ng allowance.

Samantala, bilang nakatalaga sa Salary Grade 32, aangat naman sweldo nila Vice President Leni Robredo, Senate president Aquilino Pimentel, House of Representative speaker Pantaleon Alvarez at Chief justice Maria Lourdes Sereno mula P135,376 hanggang P148,478 sa P177,929 hanggang P198,255 ngayong taon.

Read more...