Nasawi ang lalaki na kinilalang si John Kerwin Liporada, na hinihinalang nahulog mula sa 14th floor España Tower.
Ayon sa tiyahin ng biktima na si Rowena Reyes, pasado 4:30 ng madaling araw ng mahulog ang kanyang pamangkin sa building.
Sa España Tower nagta-trabaho ang biktima, kaya stay-in siya roon. Ani Reyes, may epilepsy si Liporada.
Noong mga nakalipas na araw ay tuliro rin daw ang biktima.
Sinabi ni Reyes na kailangang maimbestigahan kung may foul play ba sa pagkamatay ng kanyang pamangkin.
MOST READ
LATEST STORIES