3 hinihinalang drug users, patay matapos pagbabarilin sa Taguig City

By Cyrille Cupino January 29, 2017 - 05:18 AM

crime-scene-300x200Tatlo ang patay matapos pagbabarilin sa rooftop ng kanilang bahay sa Osmeña St., Brgy. South Signal, Taguig City.

Kinilala ang mga biktima na sina Edison Maburang, nagtatrabaho bilang isang construction worker, isang alyas ‘Rico John’ na umano’y isang seaman at isang babaeng hindi pa nakikilala.

Kwento ng kapatid ni Maburang na si Eufraim, mag-aalas dos ng madaling araw nang makarinig sila ng magkakasunod-sunod na putok ng baril sa itaas ng kanilang bahay kung saan naka-tira ang kanyang Kuya.

Dalawang armadong lalaki umano ang umakyat sa rooftop saka pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon pa sa kapatid ng biktima, dalawang beses nang pinuntahan ng barangay si Edison, pero hindi ito sumuko sa Oplan Tokhang.

Aminado naman ang kapatid na matagal nang gumagamit ng droga ang kanyang Kuya at kung minsan ay nagtutulak din ito ng shabu.

Madalas rin umanong nagpa-pot session ang mga kaibigan ng kanyang Kuya sa kanilang rooftop.

Iniimbestigahan pa rin ng Taguig City Police kung sino ang nasa likod ng nasabing pagpatay.

TAGS: Oplan Tokhang, shabu, Taguig City, Taguig City Police, Oplan Tokhang, shabu, Taguig City, Taguig City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.