Mga pulis sa video na ipinakita ni Lacson, isasailalim sa restrictive custody
Isasailalim sa restrictive custody ang mga pulis na makikita sa video na ipinakita ni Sen. Ping Lacson na nagtatanim ng ebidensya sa isang raid na isinagawa noong Oktubre.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa na wala siyang pakiaalam kung mapupuno ang PNP ng mga scalawag na pulis na nasa ilalim ng kanilang kustodiya.
Aniya kailangan nila itong gawin para malinis nila ang kanilang hanay.
Nauna ng ni-relieved ang mga pulis na makikita sa naturang footage mula sa closed-circuit television (CCTV) camera na nagtatanim ng ebidensya sa loob ng isang opisina at pagkatapos ay ni-raid bilang bahagi ng “Oplan Tokhang”.
Ilan pa sa miyembro ng naturang “raiding team” ay makikitang nagnanakaw ng pera at ilang personal na bagay mula dito.
Ang naturang video ay nakunan noong October 26, 2016 na ipinakita ni Lacson sn Senate hearing kaugnay ng “tokhang-for-ransom” at ng sinasabing biktima nitong South Korean businessman na si Jee Ick-joo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.