3 Pulis QC na sangkot umano sa extortion, inilipat sa ARMM

inquirer.net file photo

Inilipat sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang tatlong pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na umanoy nangikil ng pera mula sa pamilya ng isang suspek.

Ang nasabing kautusan ay ipinatupad sa kabila ng pakiusap ni ARMM Gov. Mujiv Hataman sa Philippine National Police (PNP) na pag-isipan ang kanilang aksyon na paglilipat sa mga tiwaling pulis sa kanyang rehiyon na siyang pinakamahirap sa bansa bilang kaparusahan sa mga ito.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang paglilipat kina PO3 Aprilito Santos, PO3 Ramil Dazo at PO3 Joseph Merin ay utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagharap ng mga ito sa administrative at criminal complaints.

Ang kaso laban sa tatlong pulis kaugnay ng reklamo ni Iluminada Leetiong, na umanoy hiningan siya ng P120,000 ng pumunta ang mga ito sa kaniyang bahay para i-serve ang arrest warrant sa kanyang anak na si Raymond.

Ang nakakabatang Leetiong ay inaakusahan sa isang cybercrime case na naka-pending sa  Muntinlupa Regional Trial Court.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...