Sec. Sueno, ibinunyag na posibleng sa susunod na linggo makaaresto na sila ng ilang mga tiwaling pulis
Ibinunyag ni Department of Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno na maaring maaresto na sa susunod na linggo ang mga tiwaling pulis kasunod ng pinatinding intelligence work at mga operasyon laban sa mga ito.
Ayon kay Sueno na meron na silang mga natitiktikan na mga pulis kaya sa mga susunod na araw aniya ay mgkakaroon na ng resulta ang mga ito.
Pinangako ni Sueno na kasundo na kontrobersiya kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo na kung saan sangkot ang ilang mga pulis, ay makakaresto sila ng mga tiwaling pulis.
Kaugnay ng ipinakita na security camera-footage ni Senator Panfilo Lacson sa Senate investigation, kung saan makikita ang mga pulis na nagtatanim ng mga ebidensya at nagnanakaw sa isang anti-drug operation ay sinabi ni Sueno na sinasakyang ng mga ito ang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte na Oplan Tokhang para lang magkapera.
Nauna na ring nangako si PNP chief Director Ronald dela Rosa na kanyang aaksyunan ang mga kasong may kaugnayan s amga tiwaling mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.