US Court, pumayag sa hiling ng isang inmate na bitayin siya agad

August 13, 2015 - 04:34 PM

Mula sa inquirer.net

Pumayag na ang US Supreme Court na isalang sa bitay ang isang preso na may limang taon nang humihiling na bilisan ang pag-execute sa kanya.

Ngayong araw nakatakdang isalang sa death chamber ang 27-anyos na inmate na si Daniel Lee Lopez na nahatulan ng bitay matapos mapatay ang isang Police Lieutenant sa car chase sa Corpus Christie, Texas may anim na taon na ang nakalilipas.

Ibinasura ng US Supreme Court ang naunang apela ng mga abugado ni Lopez na nagsabing gusto lamang ng kanilang kliyente na magsuicide gamit ang legal system ng Amerika.

Giit ng Korte, nasa sapat na katinuan ang inmate na si Lee nang hilingin nito na bilisan ang proseso ng bitay sa pamamagitan ng lethal injection.

Ayon kay Lopez, tanggap na niya ang kanyang kapalaran at handa na siyang harapin ito.

Una rito, ilang ulit na ring sumulat si Lopez sa Federal Court judge at iginigiit na bilisan na ang pagsalang sa kanya sa hatol na bitay at huwag nang bigyan pa ng reprieve sa kaso.

Si Lopez ang suspek sa pagsagasa at pagpatay kay Corpus Christie Police Lieutenant Stuart Alexander nang tangkain nitong pigilan ang suspek na tumakas noong 2009./ Jay Dones

 

 

TAGS: Daniel Lee Lopez, Daniel Lee Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.